Tuesday, February 3, 2026

Diary ng isang Tatay. From Zero to Hero to Nothing to Ausome

 Diary ng isang Tatay. From Zero to Hero to Nothing to Ausome.




Ang hirap maging locally “popular”. Kakainin mo lahat ng pride mo kahit wala ka nang makain. Let me share a story of resilience, social entrepreneurship, influence and pride coming from an Ausome dad of two and how social media affects our daily decision making (long story but definitely worth it).

During seminars, I usually start by sharing my “manila work experience”. For many years, I was involved in direct selling and network marketing. Panahon naming yung kalakasan ng “power!” From forever living in the 90’s to the different binary and multi level companies. Kumita rin naman ako nung mga time na un pero as we all know, hinde stable ang income. When I finished post-bachelor studies in Baguio, I tried my luck in Metro Manila. Together with fellow marketers, we created a direct selling company offering coffee and soap. Ang sarap magbenta nung time na un (2007 – 2009). Using the visual marketing method and selling with hype, our products were always sold out during seminars and presentations. Madalas ako nagsasabon ng mga babae, bata o matanda, pati nga mga lalake sinasabon ko nuon, Bakit? Kasi ang number one na product namin na mabenta ay whitening soap. And to see is to believe sabi nga nila. Usually, hahanap kami ng mga mukhang hinde naliligo sa crowd, tatawagin namin sa harap tapos sasabunin namin yung isang buong kamay hangang braso sa harap ng madaming tao, pagkatapos ng 5 minutes huhugasan and magic! Instantly pumuti yung isang kamay! Sabay sigaw ng Power! Ayun, bilihan ang mga tao. Nuong time na yun, wala pang social media sa Pilipinas. Madami akong natutunan na methods of marketing and selling, street smart at corporate. Duon ko rin natutunan na kahit may maganda at promising kang produkto o service kung hinde mo kayang ibenta, useless ka. Huwag ka nang mag business, mag empleyado ka na lang. Eto yung madalas na hamon namin sa isa’t isa. Ok naman yung business na pinatayo namin, surviving din naman despite the competition nung panahong yun. Pero may nangyari na hinde namin lahat inaasahan – typhoon Ondoy. Yung pinakamalakas na typhoon na nag-flood sa buong Metro Manila nung September 2009. Ang hirap mag benta pagkkatapos ng typhoon Ondoy. Nag iba priorities ng mga tao. Nagdesisyon ako na bumalik ng Baguio kasama ang pamilya ko nuong December 2009.

Nuong 2010, ang natira kong pera ay nasa P5,000. Walang biro. Naubos lahat sa Manila- bayad sa apartment, lipat gamit papuntang Baguio etc. Wala kaming choice ni misis kundi magsimula kung ano ang meron sa amin at kung ano ang kayang gawin. Ang dami kong odd jobs nuong 2010. Naging campaigner pa ako ng isang natalong kandidato para Congressman. Nag benta ng kung anong meron sa bahay mula sa mga used clothes namin hangang sa mga wooden penis ashtray ng mga uncle ko. Nagsisimula nang sumikat ang Facebook nuong 2010 kaya sinabayan na rin namin sa pagbebenta ng kung ano ano. Nadiskubre din namin ang Artfire at Etsy, mga bagong platforms pa nuon, parang alternative selling site aside from Ebay. Gamit ang brand name na Accents and Petals, nagsimula din kami magbenta ng kung ano ano duon. Small craft items tulad ng mga wooden bowl, yung kahoy na pang kamot ng likod, mga buto buto ng ahas, mga earings na may balahibo ng manok at kung ano ano pa. Sinabayan ko na rin ng mga pa-seminar ng online marketing at blogging, madalas na venue o nuon ay sa Granary o EDNCP (not sure) na ngayon ay Health 101 sa Anglican compound sa Magsaysay, Baguio City. Ang sarap magturo nuon ng anything online dahil nagsisimula pa lamang ang “online marketing” era sa Cordillera.

Mula 2011 hangang 2015 naging successful ang online marketing business naming nuon. Madaming products ang naibenta namin sa platforms ng Artfire at Etsy. Dito ko na rin sinimulan maging freelance photographer gamit ang brand name na watwatworld at nagsimula narin akong mag “mentor” ng mga gusto rin sumubok mag benta online gamit ang “visual marketing method” na nakabisado ko na. More than a decade ago, life was good. Eto yung proud moments ko as an entrepreneur and Community Leader. I founded One Nature, One Community, an organization that focused in tree planting and tree parenting. Together with hundreds of eco-volunteers, We have planted around 10,000 trees all over the Cordillera Region. We also conducted sports activities, one was the watwatworld basketball cup, which was participated by almost 700 youth. Another was leading the foundation of the La Trinidad Central School Cultural Group and many more. 2010 – 2015 was a good era.

May 2015, pinanganak ang second child ko si Roga. Then 2016, sumunod si Rhemus. Sobrang saya naming dahil pagkatapos ng anim na taon, may kapatid na si Rani. I have three boys.

Then came 2016, ang daming adjustments. Medyo humina ang benta sa Artfire at Etsy dahil nag open sila ng dropshipping. Ayun na, nagkaroon na ng ka kompitensiya ng mga produktong galing ng China. Unti-unti, nawawalan na ng customer ang online shops namin dahil sa pababaan ng presyo. Meron pa naman kaming mga loyal customers pero nawala ang lahat nuong 2017. Sa buong Pilipinas, madaming mga tinatawag na MSME ang nawalan ng negosyo. Eto rin yung taon na tumigil ang “export business” ng mga msme at mula nuon, hinde na muli nakabangon o nakabalik sa international market ang mga prudukto ng mga msme’s despite all efforts ng mga government agencies tulad ng DTI. Mula 2017, malayang nakakapasok ang mga produkto ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas, pero ang mga produkto natin, hinde makalabas ng bansa. Dahil ang Pilipinas ang isa sa mga bansang may pinakamataas na halaga ng shipping cost sa buong mundo. Yung inaasahan natin na tutulong sana sa mga Pilipino sa pagpapadala ng mga produkto palabas ng bansa, ang Express Mail Service ng Philippine Postal Corporation ay nagtaas ng presyo na katumbas ng Fedex o DHL. Sa buong mundo, ang EMS o Express Mail Service ang ginagamit ng mga maliliit na entrepreneurs dahil ito ay pag-aari ng gobyerno at ito ay mas mura. Iba sa Pilipinas. Mahal. Kaya nuong 2017, nung naimplement ang tinatawag na “volumetric method”, karamihan ng mga msme’s ay hinde na makapagpadala ng produkto sa ibang bansa, kasama na kami.

Nuong 2017, bagsak ang business. Madaming utang sa mga suppliers na ang hirap bayaran. Bagsak talaga. Eto yung time na from hero to zero. Yung hinahangaan ka ng mga tao dahil “maganda” ang online business mo pero hinde nila alam na bagsak ka, nagka utang utang. Yung may makakasalubong a sa Session Road, Baguio tapos sasabihing “mentor, magpakape ka naman!” tapos ang laman lang ng bulsa ko ay saktong pamasahe lang pauwi. Wala ako maisagot kundi “next time”. Sobrang sama ng loob ko sa gobyerno nung panahon na yun. Buti na lang at may mga freelance work ako as resource speaker sa mga network marketing meetings pag weekdays and photographer pag weekends, hinde regular, pero kahit papaano, may pambili ng pagkain. Hinde ko alam kung papaano magsimula uli. Kung nuong 2010, may P5,000 ako, 2017 was different. Sobrang come and go, parang dumadaan lang sa palad ng kamay ang pera dahill madami ng gastusin. Pagkain, cerelac, diaper, gatas, gamot, ilaw, tubig, internet at kung ano ano pa. Mataas na ang expenses kumbaga. 2017 din yung una kong napansin na mag dadalawang taon na si Roga pero hinde parin nagsasalita at hinde tumitingin ng deretso sa mata pag may kumakausap sa kanya. Naghanap ako ng pwedeng gawin sa buhay, kung wala, plano ko ng mag apply sa kahit anong trabaho sa gobyerno o bumalik sa network marketing. Mga June ng 2017, dumating yung Bayan Academy at BPI foundation, naghahanap sila ng mga entrepreneurs na sasali sa BPI Sinag competition at may ibibigay silang cash grant sa mga mananalo. Tapos may free educational bootcamp sa Quezon City ng ilang weeks. Free hotel, free food, may pamasahe pa! Sakto, magulo utak ko that time, need ko ng breather, ng direction at lalong lalo na, pera. Kaya nag effort ako ng todo, sobra pa sa isan daang porsiyento! May 240 entrepreneurs na napili sa buong Pilipinas. Na screen kami sa top 40. Dinala lahat kami sa headquarters ng Bayan academy sa Mother Ignacia, QC. Hatid sundo sa center at hotel. Pampered kami ung tutuusin pero magkakalaban sa cash grant na ibibigay. Nung first day, nakaka nerbiyos dahil pag pasok o sa conference room, lahat sila naguusap usap, madaming mula sa Visayas at Mindanao, madami rin mula sa Metro Manila. Out of the top 40, ako lang pala ang taga Cordillera at Northern Luzon! I had a lot to prove dahil feeling ko nasa balikat ko ang representation ng buong Northern Luzon, feeling lang naman. From top 40, after a two months ata, naging top 20, pasok tayo, then Final Pitching sa Makati Sports Complex para sa Top 10. Labanan talaga. Prepared kami lahat. Walang kaibi-kaibigan. Hinde ko nakuha ang first prize na P300.000 Pero nanalo tayo ng second prize na P100,000 plus 2 months na post competition mentoring under ka Prof Marvin Beduya (+). Siya ang nagsabi na “bakit kasi kayo nagpupumilit na bumalik sa international market kung hinde kaya. May local market naman. Start all over pero start wisely”. With P100,000 start up capital, using the visual marketing method na ginagawa ko since 2007 and with the new learnings we accepted Prof. Beduya’s challenge.

2018 was a fresh start. Although pag tinitignan online o sa Facebook, parang walang nangyaring problema. Continuous pa rin ang posts, photos etc na parang all is good. Plastikan lang kumbaga. Pero nung 2018, sobrang adjustment ang nangyari. Ang layo ng dollar sa peso. Example, yung hand crafted flower naming na gawa sa balat ng mais, sa America, kaya nilang bilhin sa $5 ang isa o mga P250 isa. Tapos ina-appreciate pa nila dahil eco product at recycled corn husk yung bulaklak. Dito sa Pilipinas, madalas mo marinig na “e balat lang naman ng mais yan e, baka naman pwede sa P30 lang isa?”. Imagine… from ($5) P250 each to P30! Ibang iba yung purchasing capability and appreciation ng mga Pinoy sa hand crafted products! Ang hirap ng unang limang buwan ng 2018. Hangang nakapag desisyon kami na pag-aralan ang tamang market segment at duon na kami mag concentrate. Nung last quarter ng 2018, sa A & B market na kami nag concentrate ng marketing. Madaming inquiries galling sa C,D,E market pero Nakita naming na yung majority talaga ng mga tumutuloy sa pag order ay ang A&B market kahit na konti lang ang inquiries na galing sa segment nila. Kumbaga 100 ang inquiries sa C,D,E market, lahat yan bibigyan ng effort sagutin at ibenta ang mga craft flowers pero out of 100, mga 5 lang ang tutuloy. Samantalang sa A&B market, sa 10 inquiries, mga 6 o 7 ang tutuloy. Kaya nung nahanap namin ang tamang market segmet, through endorsements and word of mouth marketing, dumami ang umorder ng kanilang hand crafted wedding flowers. From an income perspective, parang 20% nalang ang kinikita namin as compared nung dati. Ibang iba. Tuloy parin yung aking side jobs na photography at resource speaker. 2018 din yung napansin ko na bakit hinde in nagsasalita and aking bunso na si Rhemus. Sabi ng mga matatanda, baka lang daw delayed magsalita yung mga bata. Hintayin lang.

2019, nag pi-pick up yung hand crafted flowers. Nagkakaroon ng local following at nagpapasalamat kami. Kahit konti na lang ang kinikita namin, ok lang basta magsurvive sa pang araw araw na gastos. Umaasa kami na makakabawi rin kami sa mga susunod na taon. Pero ito rin yung taon kung saan “bothered” na ako sa mga nakikita ko sa mga bata. 4 years old na si Roga at 3 years old na si Rhemus. Ayaw ko sana gawin pero nagsimula na ako magtanong tanong sa mga kakilala. Nag research na rin ako kay kuya google sa mga nakikita ko na ginagawa ng mga anak ko at sabi ni google, yun daw ay mga “Red Flags”. Flapping of the hands, tip toe walking, not looking in the eye, not responding to name etc. Lahat yun ay present sa mga anak ko. In my mind, confirmed, may autism ang mga anak ko pero ang hirap mag sink in. Ayoko tangapin! Nagbabakasakali ako na may miracle na mangyayari o sadyang delayed lang talaga sila. Sa buong 2019, nag observe ako. Bumili rin ako ng mga visual learning tools, boards etc. Lahat ng pwede ko mabili sa Tiongsan at Pines binili ko at nilagay sa mga wall/pader ng bahay. 

May visual learning kami everytime na may chance magturo sa kanila. Talagang naging mini classroom yung bahay dahil pag walang naka bantay, nagiging blackboard ng crayons at ballpen yung pader. Hanggang ngayon, punong puno ng drawing ang mga pader ng bahay namin. Sabi ko sa sarili ko, need ko ng final confirmation galing sa doctor just to be sure. Pag walang pagbabago sa 2020, pacheckup ko na sila. Dumating ang 2020. Bandang February, nag reresearch na ako kung sinong autism doctor ang pupuntahan namn sa Baguio city. Dun ko rin nalaman na ang tawag sa mga dalubhasa sa assessment ng autism ay mga developmental pediatrician o mga DevPed. Pero dumating ang Covid pandemic.

2020, nagbago ang lahat. Namatay ang events industry. Namatay ang crafts and services industry. Lahat tayo affected. Lahat ng booked services, wedding flowers at photo/video services cancelled. Nagisip kami ng paraan para may “trabaho” parin kahit pandemic. Since may mga gamit kami pang tahi, ginawa naming PPE Making shop yung bahay. Nakagawa kami ng libo libong DIY face mask, face shield at Hazmat “bunny” suits. Nuong panahon na ito, pila pila ang mga sasakyan ng mga first responders at government agencies sa harap ng bahay. Nuong panahong iyon, malaking bagay ang 100pcs ng home made face shields. Sa dami ng humihingi, as needed lang talaga ang binibigay naming sa mga nangangailangan. Halos lahat ng Hospital sa Baguio – Benguet at nabigyan naming ng mga PPE’s, as far as Mountain Province at mga kakailian sa Metro Manila. Eto ang naging trabaho naming nuong 2020 – 2021. Free yung mga PPE’s maliban sa mga Hazmats. Lahat ito ay well documented. Pati yung mga nag donate ng raw materials ay napasalamatan. Walang malaking income nuong time ng pandemic. Masaya na lang kami na may konting kita sa mga pinapatahing personalized hazmat suits. Eto rin yung time na nakapag devote ako ng maraming oras sa pag-aaral tungkol sa autism. Since hinde pwedeng lumabas ng bahay, nagbasa ako ng mga researches, nanood ng videos ng mga dalubhasa tungkol sa Autism. At nung 2021, tanggap ko na ng buong buo na magiging iba na ang buhay namin dahil malaking sakripisyo ang mag alaga ng mga batang may autism.

2021. Mahina pa rin ang business. Takot parin karamihan. Patay parin ang events business. Kahit yung mga malalaking event suppliers nagbebenta ng tinapa o kung ano ano para lang mabuhay. Kumbaga, aanhin mo ang pagiging sikat na wedding supplier kung gutom naman ang pamilya. Madaming mga mayayabang na event supplier ang nasubukan muling tumapak sa lupa “nag balik lupa” sa mga panahong iyon. Since hinde pa bumabalik yung sigla ng event industry, kanya kanyang diskarte muna. Gumawa at nagbenta kami ng mga homemade longganisa, cupcakes, hamburgers, siopao at kung ano ano pa (odd jobs). Gamit ang social media at visual marketing, madali naming naibebenta yung mga home made products namin. Hinde rin problema ang logistics dahil naging uso ang errand nuong 2021. Habang dumidiskarte sa pagbenta ng mga home made products, sinimulan na rin namin gumawa ng mga short learning videos para sa dalawa kong autistic na anak. Mga simpleng visual explanatory videos tulad ng ( hawak ko yung patatas habang vinivideo ako tapos ini-spell ko yung potato, P-O-T-AT-O, potato!), ganun. Mga simpleng descriptive videos. Inikot namin ang trading post sa km5, pumunta kami sa public market ng Baguio – sa hilltop, sa kayang, sa fruit section etc. nakiusap kami sa mga nagtitinda na picturan naming yung mga paninda nila para sa visual learning ng mga bata, ok naman sa kanila. Dito nagsimula nai-associate ng mga anak ko ang tawag sa isang bagay. 2021 din yung time na madami akong online seminar sa mga iba’t ibang government agencies dahil nga sa visual marketing practices na ginagawa ko. Kahit papaano, may pang gastos sa pangangailangan pang araw araw.

2022 - 2023. Although may mga nagtatanong na ulit sa aming mga craft products, hinde na siya kasing lakas prior to pandemic. Eto yung year na feeling ko ayaw ka. Gusto ko na maghanap ng ibang venture. Gamit ang freelance income ko sa photography, tuloy lang yung mga home made products namin tulad ng watwatlong home made longanisa, siopao, champorado, cupcakes, donuts. Maganda sa una pero nung bumali ang sigla ng mercado at dumami na naman ang mga murang products,  tinigil ko muna. Although nasurvive namin ang mga taon na ito, feeling ko, charity business na lang dahil umiikot sa sweldo ng mga crafters at operations na lang napupunta ang lahat. Dito ko rin naramdaman ang gastos ng therapy para sa mga ausome kids ko. Mura pa nuong 2022, P600/hour ang OT and dalawa sila paya P1,200/day. 2x or 3x a week, depende sa availability ng slot. Bumibili din ako dati ng Nordic DHA na good for the autistic brain daw (2,400/bottle). At kung ano anong pagkain at vitamins na pwedeng ibigay sa kanila. Mabigat ang gastos. Hangang nag decide ako na subukan i-enrol ang mga bata. 

Nakapasok si Rhemus sa SPED Benguet. Si Roga naman ay home learning. Tumigil na sila sa therapy. Hinde kaya e. Kahit pa may maliit na business, hinde pa rin kayang i-sustain. (2026 - Bago ko makalimutan, Shoutout sa SPED Benguet, good job teachers! Your patience and understanding in teaching our kids is admirable!)

2024. Gusto ko na itigil yung craft business. Masyado na madami ang competition at bagsakan na ng presyo. Madami rin sa mga ginawa namin ay ginagaya ng ibang crafters. Nakakatuwa kasi parang may laging nag-aabang sa mga bagong designs ng craft shop namin. Yung photography naman, dumami ang competition na bagsak presyo. Ang hirap makipagsabayan. Yung mga bagong “flower artists” halos kalahati ang offer na presyo para sa kanilang services. Meron kami mga paisa isang client pero hinde na tulad nung bago pandemic na madaming inquiries at bookings. Pero katulad ng karamihan na msme, umasa parin kami na gaganda ang business kaya nag loan ako. Hinde nangyari. Survival mode ulit. Buti na lang may mga “odd jobs” tulad ng benta benta, pagiging resource speaker ng mga seminars at pagtuturo ng photography o visual marketing. Paminsan minsan din may mga private sessions sa mga nagbabalak ikasal ng highland wedding, parang consultation, at tinutulungan ko sila sa planning ng kanilang highland wedding. 

Nakakatuwa lang din dahil nagkaroon ako ng maraming pagkakataon na magseminar tungkol sa Autism Awareness sa 2024. Dito ako lumantad ng todo. Naging mukha ng Autism Awareness campaign locally. Dito nabuo yung idea ko na sana magaroon ng isang local private organization na tutulong sa mga magulang na may mga anak na considered as Children With Disability o CWD dahil napaka obvious na wala pa kami nito sa aming lugar. Ang nakakatuwa na nakaka depress, lumalakas yung social campaign ko for autism awareness pero yung business humihina. Sa totoo lang, ang hirap yung magmukhang sikat sa mga kaibigan, sa social media, sa lahat, pero nasa survival mode ka pala. Ang hirap nun! Mukhang ako lang ata ang “brave enough” o honest enough na aminin na ang hirap ng economiya ngayon at affected kami.

2025. Ang daming nangyari. Hinde ko alam kung papaano namin na survive ang taon na ito. Sobrang hirap ng business. Lalong lumakas ang competition. Ang daming gumagaya sa mga hand crafts namin at binebenta ng half the price at masyado ng madaming China Products na halos bagsak presyo. May mga orders pa rin naman pakonti konti pero halos katulad nuong 2022, 2023, 2024, tama lang para sa pasweldo ng mga crafters, minsan kulang pa. Downtrend talaga. Sabi ng isa sa aking mga mentors - ang negosyo ay simple lang. 30% Salaries, 30% Production, 25% income and 15% Legalities/papers. Katulad ng grades sa school, ang passing ay 75%.  Kung sa 30% na pasweldo ay naghihingalo na, papaano hahabulin ang passing grade na 75%. Madaming MSMEs ang nasa ganitong situasyon pero they choose to survive. Loan dito, loan duon, sideline dito, sideline duon. Kahit wala ng sweldo ang may-ari ng business basta maibigay lang yung sweldo ng mga crafters at mabuhay ang production. Buti may mga “odd jobs” at sideline ako na tumutulong sa daily expenses. Pero sa totoo lang 2025 was a hard year for business. Sobrang survival. Talong talo kami. Ayoko na talaga at nag iisip na ako ng alternatives just in case hinde ko na ituloy ang renewal ng business. Ang hirap kasing mag-renew just for the sake lang na may permit pero hinde naman kumikita. Wala akong masabi sa mga crafters namin, talagang ginagawa naman nila yung trabaho nila at masisipag din, sadyang mahina lang talaga ang economiya at bagsakan ng presyo ang competition kaya konti na lang umo-order. Mas prefer ng buyers ang China products sa Lazada at Shoppee kaysa sa likhang kamay ng mga crafters. This is a hard reality sa mundo ng crafting and a hard reality na naeexperience namin araw araw. Kung optimism ang pag-uusapan, madami kami niyan. Umaasa na magpi-pickup ang dating sigla ng market. But reality bites, after ng pandemic, nag-iba ang buying preference, dumami ang online buying platforms at yung may extra money na lang talaga ang may kayang bumili ng hand crafted flowers. Ganun din sa mundo ng photography at weddings. Bagsakan na ng presyo. Ang nakakatuwa, pag titignan mo ang social media postings, parang everything is good, everything is beautiful, everything is fine. But it is not. Pero ganun talaga, visual marketing nga e. Show your best not your least!

Kasabay nito lahat ang yung paglakas ng Ausome North, yung autism awareness campaign and support organization na binubuo ko. Biglang nagpick-up o dumami ang sumali dahil nakikita nila na may magandang maitutulong ang pagkakaroon ng representative organization para sa mga CWDs ng Benguet at Cordillera. Ang ganda ng nabubuomg organization pero nahihiya ako dahil wala akong malaking pera para ituloy tuloy o “i-full blast” kumbaga. Di tulad nung 2010 – 2014, ang dami kong sinoportahang community activities at organizations financially, ito ay well documented and recognized community activities. Ngayon, limited na. Kaya lumalapit ako sa mga may puso. Kinakapalan ko ang mukha ko kasi kung hinde ko gagawin, walang ibang gagawa, walang mangyayari. Kung kailangan ninyo ng tinatawag na resibo or evidence ng mga pinagsasabi ko, madami tayo niyan sa www.watwatworld.com. Kahit papaano, mataas ang trust rating ko sa community.  Sa tulong ng mga kaibigan at mga taong nakaka intindi sa pangangailangan ng mga batang may disability, nagkaroon tayo ng autism awareness seminars, nag conduct ng data registration campaign nuong November at nagkaroon ng malaking gift giving activity sa mga CWD’s sa Benguet State University nuong December 14, 2026.

May nagtanong sa akin, “sa dami ng ausome activities mo, paano yung mga gastusin mo sa mga anak mo?”. Ang sagot ko simple lang. As long as hinde ko gagalawin yung allotted na budget namin sa mga bata, ok tayo. I am doing this for their future benefit and for the benefit of CWDs in our community. If by doing this I will sacrifice a portion of their budget to the cause, I will stop. I will not sacrifice the needs of my children para lang mag mukhang hero sa community. Wala na rin akong plano na tumakbo na Kagawad ng La Trinidad. Nuong 2025 election, diumano, may mga namigay ng perculator, tent, upuan, lamesahan, generator, sound system, baboy  etc. Sobrang dami kong natutunan na lakaran nuong election at ang masasabi ko lang, yes, totoo yung mga tsismis, period.  At the end of the day, I am an ausome dad of two and sila ang priority ko. But if we can establish an organization for all of them, there is a bigger chance of having and getting help from the government, private organizations and corporations. A single father has no voice but hundreds of ausome parents bonded by their love for their children has a strong representative voice.

2026. Present day. February na, hinde parin ako nakapag renew ng business permit. Sa simple basis na 30% salary, 30% production, 25%income, 15 permits, parang nasa 51% lang lagi since 2022. Downtrend. Kaya hangang ngayon nag-iisip pa ako kung irerenew ko or close na lang. Kahit ano pa explain ko sa LGU, hinde naman nila maiintindihan e! Power tripping pa yung iba. Isang bagay na meron kami ay yung ugaling resilient. Yung makakahanap ng paraan para magsimula ulit. Gusto ko yung pang long term na at hinde masasayang ang loan. Yung kahit may mangyari sa amin, pwedeng ipagpatuloy ni Rani o ng mga pinsan niya. Tignan natin kung ano ang mangyayari ngayong 2026.

Oo, medyo “sikat” ako sa Socmed dito sa amin pero hinde ibig sabihin na pag “sikat” ka, mayaman ka. Dahil sa totoo lang, kung pwede lang sana maging collateral ang pagiging “sikat” matagal ko na itong ni-loan. Madami din akong nakukuhang unsolicited advises at nagpapasalamat naman ako dahil magaganda naman ang mga business advises nila. The only problem is hinde na applicable yung advises nila dahil iba na ang situasyon ko ngayon. Meron akong mga ausome kids na need ng 24/7 na support and handling. Sa totoo lang, ang daming magagaling na tao, mentors at entrepreneurs ang nakausap o na at nagpapasalamat ako sa mga words of wisdom, time and advises na binigay nila. They see the struggle in me but still, hinde kasi nila alam yung 24/7 na care, support and handling na pinagdadaanan namin. Kaya yung applicability ng advises nila ay limited. Pero kung uma apaw ang pera at may makuhang mga caregivers o mga tao na mag hahatid sundo sa school, gagawa ng homeschool lectures, tutorial, etc. napakadaling gawin ang mga suggestions nila. I am also learned by education and with grounded experience, kaya nga ako madalas makuha sa Resourse Speaker dahil totoo ako hinde libro. Kahit papaano, nakaka relate naman ako sa mga sinasabi nila. Magkakaiba nga lang talaga ang situations natin sa buhay. And I am 100% sure, you don’t want to walk in my shoes.

So ano na? Nagiisip pa talaga ako kung itutuloy ko pa ang renewal ng craft at photography business o hinde na. Meron pa ako hangang katapusan ng February para mag desisyon habang meron pa yung one stop shop ng municipyu. Pero ang talagang gusting gusto ko gawin na may nararamdaman akong passion o magandang pakiramdam ay itong Ausome North. May kakaibang sigla na lumalabas sa akin pag ang usapin ay tungkol sa Autism awareness and support. Simula 2020 hangang ngayon 2026 lagi akong nanonood nga autism videos at nagbabasa ng mga latest researches at studies tungkol sa autism at hinde ako nagsasawang mag aral tungkol dito. Siguro dahil meron akong dalawang autistc na anak at naghahanap ako ng solusyon para mapagaan at mapabuti ang buhay nila habang sila ay lumalaki – hangang kaya ko pa.

Ang dami ko pangarap para sa Ausome North, maliban dun sa Data Registry Project for Ausome kids and Children With Disabilities, gusto ko rin magkaroon ng physical office o kahit na receiving office para talagang legal. Mahirap kasi yung orga-organize lang o facebook facebook lang, walang “legal personality”. Sabi nga nung kaibigan ko last December “Dean, gusto ka naming tulungan sa advocacy program mo na gift giving, but we need a formal organization to help not individuals”. Tama siya. Kahit pa “known” ako locally sa social media, wala akong “legal personality” to represent people. Kaya nag call out ako na magregister tayo. Madaming nagsabi ng “supportahan kita”, “support ako diyan”, “go lang” etc. may mga nag suggest din nag awing Cooperative, NGO, Foundation, Non stock-non profit etc dahil sa tax exemptions. Maraming salamat sa lahat ng suggestions and show of support online. Yun nga lang, madaming pagdadaanan bago mabuo ang Ausome North Hub natin. Una sa lahat, Nabasa niyo naman yung pinagdadaanan ko na struggle sa business ngayon. Hinde ko kayang i-finance lahat ng ito. Buti na lang at wala akong bisyo kaya kahit papaano may nagagamit kami na pang expenses sa pamasahe, meeting etc. Lagi ko example yung Adobong ulam. Ganito yun. Lahat tayo gutom, may nag hain ng mainit na kanin at sobrang mabango na malambot na chicken adobo sa lamesahan. Sa gutom natin, talagang ang sarap ng kain natin sa adobo at nabugog tayo lahat – eto yung 20%. Salamat di ba? Pero ang hinde natin Nakita ay yung nagplano at naghanda ng budget para sa pagluto ng adobo. Nag jeep pumunta sa palengke, bumili ng karne, soy, bawang, sibuyas, paminta, patatas etc. Nag jeep uli pauwi, prinepare at nagluto ng masarap na adobo bago ito inihain – eto yung 80%. Magastos, matrabaho at kumakain ng madaming oras yung pagsisimula ng isang organization. Kumbaga sa pagpapatayo ng bahay, kailangan muna ipatayo ang foundation, ayusin lahat pader, hagdan, bintana, pintor at finishing ng bahay bago ka makapag invite ng mga tao na bibisita o papasok sa bahay. Ganun din sa pagbuo ng Ausome North. Hinde instant na magiging NGO, Foundation, Coop o Nonstock ng Profit. Sa lahat ng mga ito, need ang permit to operate o business permit. Need kumuha ng permit para legal. Period. Hinde pwedeng facebo-facebook lang. After ng permit, need ng office o hub o space and need mag rent ng office para may receiving o sariling lugar ang Ausome North, kahit maliit lang. Kadalasan 1 year contract and 3 months advance, 1 month deposit ang lakaran. Pagkatapos ng permit at office,, need din ng office equipments kahit basic na upuan, lamesahan, computer, printer etc. Then yung ,services na tubig, ilaw at internet. Pag meron na lahat yan, ang susunod ay yung magkaroon ng staff na ta-tao sa office. At pag meron na lahat ito, need na masustain ang operation ng at least 6 months to one year hangang kaya na makatayo mag-isa ang Ausome north. Ipoposition ko ang Ausome North bilang isang legal na Social Enterprise habang binubuo ang Non Stock Non Profit na Organization – dahil ito ay matagal gawin. Exposed ako sa mundo ng events, lalo na sa highland weddings at festivals kaya alam na alam ko kung paaano mag organize, mag coordinate at planning bago ang main event. Since walang nag volunteer na tumulong sa financial side ng pagbuo ng organization, gumagawa ako ng paraan para maka ipon ng pang permit, office etc. Yung mga ginawa naming na handmade eco papers binebenta ko na ng mura, yung dating P50 ginawa ko ng P25. Pero wala parin,, walang pumansin, parang 2 na tao lang. Tapos nag offer na naman ako na gumawa ng hand painted tshirts para sa mga supporters. May mga 10 tao na nagsupport at nagpagawa ng sarili nilang hand painted “fish shirts” design by Dean. Walang fixed na bayad, bahala na kayo kung magkano ang ibibigay para sa cause. Yun nga lang, hangang ngayon hinde na nadagdagan ang nagpagawa hahaha. Nagbebenta rin ako ng printed Autism Tshirts gawa sa silk screen then handpainted with colors kaso parang 5 lang ang nag order. Ginagawa ko ito dahil eto yung personal na  kaya kong gawin sa ngayon. Hinde ako mayaman kaya hinde ko kayang gawing instant na boom! May naitayo na na office at as much as possible, ayoko sana maka distorbo ng mga tao. Ang hero ng dating, minsan naiinis din ako kasi parang kumuha ako ng bato at pinupukpok ko sa ulo ko. Pero kung hinde ko rin kasi gagawin, wala akong nakikita na iba na magpapatuloy. Lahat busy, lahat mag ibang ginagawa. Ang daming advocate online, pero hangang online lang. sobrang konti ang committed for actual and real  change.

Sa mga nagpagawa ng crafts, huwag po kayo mag alala, tatapusin po naming yung commitments namin sa inyo. But as we move forward ngayong 2026, naghahanap kami ng bagong opportunities (pass sa networking o investment schemes). Kung kaya naming isama yung mga crafters at kung gusto nila, isasama namin sila. Panibagong adventure at journey para sa lahat. Wala talaga, downtrend ang business since 2022 kaya sa tingin ko it’s time to move-on. Let’s see in the coming days. I still have 2 -3 weeks to decide.

In the meantime, I will work the establishment of Ausome North. Re-asses my “odd jobs”, “errands”, “freelance jobs”, speaking engagements, hand painted shirts, ausome shirts and things I can still do. I am a master of resilience hahaha. Bagsak, umiiyak, pero babangon!

Yung puso ko ngayon nasa pagbuo ng Ausome North. Nakikita ko kasi na may long term benefit ito para sa mga may autism at CWDs kasama na ang mga anak ko. May good news pa, kanina lang tumawag sa akin ang staff ng Vice Governor’s Office ng Benguet at sinabing good to go yung request ko. Kaya ngayong February 28 (Saturday), magkakaroon ng malaking assembly ang lahat ng mga parents at caregivers na may mga anak na Children with Disability (CWD) sa Benguet Capitol kaya ngayon pa lang, we are inviting mga taga Benguet to join us. I will be posting updates soon. We are moving forward Ausome North!

Anyway, pasensiya na at mahaba na naman itong “story” ko. Sa mga nakakakilala sa akin, alam niyo na ang outlet ko ay pagsusulat. Kung ang iba ang drama nila sa buhay ay pag-iinom, ako ang drama ko pagsusulat. I do not know if this story will matter or not. I do not now if people can relate to this story or not. Pag may nakaka relate, sometimes reality bites, but it is best to accept things earlier to be able to plan better for the future. Ang dami kong pinag dadaanan ngayon. I just keep on self-motivating myself para magawa ko itong dream ko for Ausome North.

If you want to order autism shirt or I will hand paint a fish series t shirt for you, please message me or if you would just like to extend help here is my account: Dean Cuanso, BPI SA 1219015395.  Please also indicate if it’s ok to publish your name or you would prefer to remain anonymous. Again, thank you.

I am also thinking of sharing stories and reading stories to you personally. Stories that matter and we like facebook.com/papakogurudeandaily wala pang 500 ang likes ng page na ito pero sana madagdagan. Itong story ko na ito ang unang “Story” na ilalagay ko sa page na ito. Kung gusto niyo rin mag share ng mga kwento Ninyo, message niyo po ako at babasahin ko yung story Ninyo sa Papako Guru Dean Daily fb page.

I’ve heard some high profile people and people with title talk about me on my lowest level. They look down on me because they can. To me it’s ok. I swallowed my pride years ago when I became an Autism Advocate. We have different situations in life. I was once on top, a pa-hero, then became a nothing and now an ausome parent. We deal with situations and problems differently. I chose to embrace mine and use it to help my kids and help my ausome community instead.

I do not know if people will read this story or can relate to it, but if you do, thank you and please do leave a comment.

Thank you.