Diary ng isang Tatay. From Zero to Hero to Nothing to Ausome.
Ang hirap maging locally “popular”. Kakainin mo lahat ng pride mo kahit wala ka nang makain. Let me share a story of resilience, social entrepreneurship, influence and pride coming from an Ausome dad of two and how social media affects our daily decision making (long story but definitely worth it).
During seminars, I usually start by sharing my “manila work
experience”. For many years, I was involved in direct selling and network
marketing. Panahon naming yung kalakasan ng “power!” From forever living in the
90’s to the different binary and multi level companies. Kumita rin naman ako
nung mga time na un pero as we all know, hinde stable ang income. When I
finished post-bachelor studies in Baguio, I tried my luck in Metro Manila.
Together with fellow marketers, we created a direct selling company offering
coffee and soap. Ang sarap magbenta nung time na un (2007 – 2009). Using the
visual marketing method and selling with hype, our products were always sold
out during seminars and presentations. Madalas ako nagsasabon ng mga babae,
bata o matanda, pati nga mga lalake sinasabon ko nuon, Bakit? Kasi ang number
one na product namin na mabenta ay whitening soap. And to see is to believe
sabi nga nila. Usually, hahanap kami ng mga mukhang hinde naliligo sa crowd,
tatawagin namin sa harap tapos sasabunin namin yung isang buong kamay hangang
braso sa harap ng madaming tao, pagkatapos ng 5 minutes huhugasan and magic!
Instantly pumuti yung isang kamay! Sabay sigaw ng Power! Ayun, bilihan ang mga
tao. Nuong time na yun, wala pang social media sa Pilipinas. Madami akong
natutunan na methods of marketing and selling, street smart at corporate. Duon
ko rin natutunan na kahit may maganda at promising kang produkto o service kung
hinde mo kayang ibenta, useless ka. Huwag ka nang mag business, mag empleyado
ka na lang. Eto yung madalas na hamon namin sa isa’t isa. Ok naman yung
business na pinatayo namin, surviving din naman despite the competition nung
panahong yun. Pero may nangyari na hinde namin lahat inaasahan – typhoon Ondoy.
Yung pinakamalakas na typhoon na nag-flood sa buong Metro Manila nung September
2009. Ang hirap mag benta pagkkatapos ng typhoon Ondoy. Nag iba priorities ng
mga tao. Nagdesisyon ako na bumalik ng Baguio kasama ang pamilya ko nuong
December 2009.
Then came 2016, ang daming adjustments. Medyo humina ang
benta sa Artfire at Etsy dahil nag open sila ng dropshipping. Ayun na,
nagkaroon na ng ka kompitensiya ng mga produktong galing ng China. Unti-unti, nawawalan
na ng customer ang online shops namin dahil sa pababaan ng presyo. Meron pa
naman kaming mga loyal customers pero nawala ang lahat nuong 2017. Sa buong
Pilipinas, madaming mga tinatawag na MSME ang nawalan ng negosyo. Eto rin yung
taon na tumigil ang “export business” ng mga msme at mula nuon, hinde na muli
nakabangon o nakabalik sa international market ang mga prudukto ng mga msme’s
despite all efforts ng mga government agencies tulad ng DTI. Mula 2017,
malayang nakakapasok ang mga produkto ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas, pero
ang mga produkto natin, hinde makalabas ng bansa. Dahil ang Pilipinas ang isa
sa mga bansang may pinakamataas na halaga ng shipping cost sa buong mundo. Yung
inaasahan natin na tutulong sana sa mga Pilipino sa pagpapadala ng mga produkto
palabas ng bansa, ang Express Mail Service ng Philippine Postal Corporation ay
nagtaas ng presyo na katumbas ng Fedex o DHL. Sa buong mundo, ang EMS o Express
Mail Service ang ginagamit ng mga maliliit na entrepreneurs dahil ito ay
pag-aari ng gobyerno at ito ay mas mura. Iba sa Pilipinas. Mahal. Kaya nuong
2017, nung naimplement ang tinatawag na “volumetric method”, karamihan ng mga
msme’s ay hinde na makapagpadala ng produkto sa ibang bansa, kasama na kami.
2018 was a fresh start. Although pag tinitignan online o sa
Facebook, parang walang nangyaring problema. Continuous pa rin ang posts,
photos etc na parang all is good. Plastikan lang kumbaga. Pero nung 2018,
sobrang adjustment ang nangyari. Ang layo ng dollar sa peso. Example, yung hand
crafted flower naming na gawa sa balat ng mais, sa America, kaya nilang bilhin
sa $5 ang isa o mga P250 isa. Tapos ina-appreciate pa nila dahil eco product at
recycled corn husk yung bulaklak. Dito sa Pilipinas, madalas mo marinig na “e
balat lang naman ng mais yan e, baka naman pwede sa P30 lang isa?”. Imagine…
from ($5) P250 each to P30! Ibang iba yung purchasing capability and
appreciation ng mga Pinoy sa hand crafted products! Ang hirap ng unang limang
buwan ng 2018. Hangang nakapag desisyon kami na pag-aralan ang tamang market
segment at duon na kami mag concentrate. Nung last quarter ng 2018, sa A &
B market na kami nag concentrate ng marketing. Madaming inquiries galling sa
C,D,E market pero Nakita naming na yung majority talaga ng mga tumutuloy sa pag
order ay ang A&B market kahit na konti lang ang inquiries na galing sa
segment nila. Kumbaga 100 ang inquiries sa C,D,E market, lahat yan bibigyan ng
effort sagutin at ibenta ang mga craft flowers pero out of 100, mga 5 lang ang
tutuloy. Samantalang sa A&B market, sa 10 inquiries, mga 6 o 7 ang tutuloy.
Kaya nung nahanap namin ang tamang market segmet, through endorsements and word
of mouth marketing, dumami ang umorder ng kanilang hand crafted wedding
flowers. From an income perspective, parang 20% nalang ang kinikita namin as
compared nung dati. Ibang iba. Tuloy parin yung aking side jobs na photography
at resource speaker. 2018 din yung napansin ko na bakit hinde in nagsasalita
and aking bunso na si Rhemus. Sabi ng mga matatanda, baka lang daw delayed
magsalita yung mga bata. Hintayin lang.
2024. Gusto ko na itigil yung craft business. Masyado na madami ang competition at bagsakan na ng presyo. Madami rin sa mga ginawa namin ay ginagaya ng ibang crafters. Nakakatuwa kasi parang may laging nag-aabang sa mga bagong designs ng craft shop namin. Yung photography naman, dumami ang competition na bagsak presyo. Ang hirap makipagsabayan. Yung mga bagong “flower artists” halos kalahati ang offer na presyo para sa kanilang services. Meron kami mga paisa isang client pero hinde na tulad nung bago pandemic na madaming inquiries at bookings. Pero katulad ng karamihan na msme, umasa parin kami na gaganda ang business kaya nag loan ako. Hinde nangyari. Survival mode ulit. Buti na lang may mga “odd jobs” tulad ng benta benta, pagiging resource speaker ng mga seminars at pagtuturo ng photography o visual marketing. Paminsan minsan din may mga private sessions sa mga nagbabalak ikasal ng highland wedding, parang consultation, at tinutulungan ko sila sa planning ng kanilang highland wedding.
Nakakatuwa lang din dahil nagkaroon ako ng maraming pagkakataon na magseminar tungkol sa Autism Awareness sa 2024. Dito ako lumantad ng todo. Naging mukha ng Autism Awareness campaign locally. Dito nabuo yung idea ko na sana magaroon ng isang local private organization na tutulong sa mga magulang na may mga anak na considered as Children With Disability o CWD dahil napaka obvious na wala pa kami nito sa aming lugar. Ang nakakatuwa na nakaka depress, lumalakas yung social campaign ko for autism awareness pero yung business humihina. Sa totoo lang, ang hirap yung magmukhang sikat sa mga kaibigan, sa social media, sa lahat, pero nasa survival mode ka pala. Ang hirap nun! Mukhang ako lang ata ang “brave enough” o honest enough na aminin na ang hirap ng economiya ngayon at affected kami.2025. Ang daming nangyari. Hinde ko alam kung papaano namin
na survive ang taon na ito. Sobrang hirap ng business. Lalong lumakas ang
competition. Ang daming gumagaya sa mga hand crafts namin at binebenta ng half
the price at masyado ng madaming China Products na halos bagsak presyo. May mga
orders pa rin naman pakonti konti pero halos katulad nuong 2022, 2023, 2024,
tama lang para sa pasweldo ng mga crafters, minsan kulang pa. Downtrend talaga.
Sabi ng isa sa aking mga mentors - ang negosyo ay simple lang. 30% Salaries,
30% Production, 25% income and 15% Legalities/papers. Katulad ng grades sa
school, ang passing ay 75%. Kung sa 30%
na pasweldo ay naghihingalo na, papaano hahabulin ang passing grade na 75%.
Madaming MSMEs ang nasa ganitong situasyon pero they choose to survive. Loan
dito, loan duon, sideline dito, sideline duon. Kahit wala ng sweldo ang may-ari
ng business basta maibigay lang yung sweldo ng mga crafters at mabuhay ang
production. Buti may mga “odd jobs” at sideline ako na tumutulong sa daily
expenses. Pero sa totoo lang 2025 was a hard year for business. Sobrang
survival. Talong talo kami. Ayoko na talaga at nag iisip na ako ng alternatives
just in case hinde ko na ituloy ang renewal ng business. Ang hirap kasing
mag-renew just for the sake lang na may permit pero hinde naman kumikita. Wala
akong masabi sa mga crafters namin, talagang ginagawa naman nila yung trabaho
nila at masisipag din, sadyang mahina lang talaga ang economiya at bagsakan ng
presyo ang competition kaya konti na lang umo-order. Mas prefer ng buyers ang
China products sa Lazada at Shoppee kaysa sa likhang kamay ng mga crafters.
This is a hard reality sa mundo ng crafting and a hard reality na naeexperience
namin araw araw. Kung optimism ang pag-uusapan, madami kami niyan. Umaasa na
magpi-pickup ang dating sigla ng market. But reality bites, after ng pandemic,
nag-iba ang buying preference, dumami ang online buying platforms at yung may
extra money na lang talaga ang may kayang bumili ng hand crafted flowers. Ganun
din sa mundo ng photography at weddings. Bagsakan na ng presyo. Ang nakakatuwa,
pag titignan mo ang social media postings, parang everything is good,
everything is beautiful, everything is fine. But it is not. Pero ganun talaga,
visual marketing nga e. Show your best not your least!
2026. Present day. February na, hinde parin ako nakapag
renew ng business permit. Sa simple basis na 30% salary, 30% production,
25%income, 15 permits, parang nasa 51% lang lagi since 2022. Downtrend. Kaya
hangang ngayon nag-iisip pa ako kung irerenew ko or close na lang. Kahit ano pa
explain ko sa LGU, hinde naman nila maiintindihan e! Power tripping pa yung
iba. Isang bagay na meron kami ay yung ugaling resilient. Yung makakahanap ng
paraan para magsimula ulit. Gusto ko yung pang long term na at hinde masasayang
ang loan. Yung kahit may mangyari sa amin, pwedeng ipagpatuloy ni Rani o ng mga
pinsan niya. Tignan natin kung ano ang mangyayari ngayong 2026.
Ang dami ko pangarap para sa Ausome North, maliban dun sa
Data Registry Project for Ausome kids and Children With Disabilities, gusto ko
rin magkaroon ng physical office o kahit na receiving office para talagang
legal. Mahirap kasi yung orga-organize lang o facebook facebook lang, walang
“legal personality”. Sabi nga nung kaibigan ko last December “Dean, gusto ka
naming tulungan sa advocacy program mo na gift giving, but we need a formal
organization to help not individuals”. Tama siya. Kahit pa “known” ako locally
sa social media, wala akong “legal personality” to represent people. Kaya nag
call out ako na magregister tayo. Madaming nagsabi ng “supportahan kita”,
“support ako diyan”, “go lang” etc. may mga nag suggest din nag awing
Cooperative, NGO, Foundation, Non stock-non profit etc dahil sa tax exemptions.
Maraming salamat sa lahat ng suggestions and show of support online. Yun nga
lang, madaming pagdadaanan bago mabuo ang Ausome North Hub natin. Una sa lahat,
Nabasa niyo naman yung pinagdadaanan ko na struggle sa business ngayon. Hinde
ko kayang i-finance lahat ng ito. Buti na lang at wala akong bisyo kaya kahit
papaano may nagagamit kami na pang expenses sa pamasahe, meeting etc. Lagi ko
example yung Adobong ulam. Ganito yun. Lahat tayo gutom, may nag hain ng mainit
na kanin at sobrang mabango na malambot na chicken adobo sa lamesahan. Sa gutom
natin, talagang ang sarap ng kain natin sa adobo at nabugog tayo lahat – eto
yung 20%. Salamat di ba? Pero ang hinde natin Nakita ay yung nagplano at
naghanda ng budget para sa pagluto ng adobo. Nag jeep pumunta sa palengke,
bumili ng karne, soy, bawang, sibuyas, paminta, patatas etc. Nag jeep uli
pauwi, prinepare at nagluto ng masarap na adobo bago ito inihain – eto yung
80%. Magastos, matrabaho at kumakain ng madaming oras yung pagsisimula ng isang
organization. Kumbaga sa pagpapatayo ng bahay, kailangan muna ipatayo ang
foundation, ayusin lahat pader, hagdan, bintana, pintor at finishing ng bahay
bago ka makapag invite ng mga tao na bibisita o papasok sa bahay. Ganun din sa
pagbuo ng Ausome North. Hinde instant na magiging NGO, Foundation, Coop o
Nonstock ng Profit. Sa lahat ng mga ito, need ang permit to operate o business
permit. Need kumuha ng permit para legal. Period. Hinde pwedeng facebo-facebook
lang. After ng permit, need ng office o hub o space and need mag rent ng office
para may receiving o sariling lugar ang Ausome North, kahit maliit lang.
Kadalasan 1 year contract and 3 months advance, 1 month deposit ang lakaran.
Pagkatapos ng permit at office,, need din ng office equipments kahit basic na
upuan, lamesahan, computer, printer etc. Then yung ,services na tubig, ilaw at
internet. Pag meron na lahat yan, ang susunod ay yung magkaroon ng staff na
ta-tao sa office. At pag meron na lahat ito, need na masustain ang operation ng
at least 6 months to one year hangang kaya na makatayo mag-isa ang Ausome
north. Ipoposition ko ang Ausome North bilang isang legal na Social Enterprise
habang binubuo ang Non Stock Non Profit na Organization – dahil ito ay matagal
gawin. Exposed ako sa mundo ng events, lalo na sa highland weddings at
festivals kaya alam na alam ko kung paaano mag organize, mag coordinate at
planning bago ang main event. Since walang nag volunteer na tumulong sa
financial side ng pagbuo ng organization, gumagawa ako ng paraan para maka ipon
ng pang permit, office etc. Yung mga ginawa naming na handmade eco papers
binebenta ko na ng mura, yung dating P50 ginawa ko ng P25. Pero wala parin,,
walang pumansin, parang 2 na tao lang. Tapos nag offer na naman ako na gumawa
ng hand painted tshirts para sa mga supporters. May mga 10 tao na nagsupport at
nagpagawa ng sarili nilang hand painted “fish shirts” design by Dean. Walang
fixed na bayad, bahala na kayo kung magkano ang ibibigay para sa cause. Yun nga
lang, hangang ngayon hinde na nadagdagan ang nagpagawa hahaha. Nagbebenta rin
ako ng printed Autism Tshirts gawa sa silk screen then handpainted with colors
kaso parang 5 lang ang nag order. Ginagawa ko ito dahil eto yung personal na kaya kong gawin sa ngayon. Hinde ako mayaman kaya
hinde ko kayang gawing instant na boom! May naitayo na na office at as much as
possible, ayoko sana maka distorbo ng mga tao. Ang hero ng dating, minsan
naiinis din ako kasi parang kumuha ako ng bato at pinupukpok ko sa ulo ko. Pero
kung hinde ko rin kasi gagawin, wala akong nakikita na iba na magpapatuloy.
Lahat busy, lahat mag ibang ginagawa. Ang daming advocate online, pero hangang
online lang. sobrang konti ang committed for actual and real change.
Sa mga nagpagawa ng crafts, huwag po kayo mag alala,
tatapusin po naming yung commitments namin sa inyo. But as we move forward
ngayong 2026, naghahanap kami ng bagong opportunities (pass sa networking o
investment schemes). Kung kaya naming isama yung mga crafters at kung gusto
nila, isasama namin sila. Panibagong adventure at journey para sa lahat. Wala
talaga, downtrend ang business since 2022 kaya sa tingin ko it’s time to
move-on. Let’s see in the coming days. I still have 2 -3 weeks to decide.
Yung puso ko ngayon nasa pagbuo ng Ausome North. Nakikita ko
kasi na may long term benefit ito para sa mga may autism at CWDs kasama na ang
mga anak ko. May good news pa, kanina lang tumawag sa akin ang staff ng Vice
Governor’s Office ng Benguet at sinabing good to go yung request ko. Kaya ngayong
February 28 (Saturday), magkakaroon ng malaking assembly ang lahat ng mga
parents at caregivers na may mga anak na Children with Disability (CWD) sa
Benguet Capitol kaya ngayon pa lang, we are inviting mga taga Benguet to join
us. I will be posting updates soon. We are moving forward Ausome North!
Anyway, pasensiya na at mahaba na naman itong “story” ko. Sa
mga nakakakilala sa akin, alam niyo na ang outlet ko ay pagsusulat. Kung ang
iba ang drama nila sa buhay ay pag-iinom, ako ang drama ko pagsusulat. I do not
know if this story will matter or not. I do not now if people can relate to
this story or not. Pag may nakaka relate, sometimes reality bites, but it is
best to accept things earlier to be able to plan better for the future. Ang
dami kong pinag dadaanan ngayon. I just keep on self-motivating myself para
magawa ko itong dream ko for Ausome North.
If you want to order autism shirt or I will hand paint a
fish series t shirt for you, please message me or if you would just like to
extend help here is my account: Dean Cuanso, BPI SA 1219015395. Please also indicate if
it’s ok to publish your name or you would prefer to remain anonymous. Again,
thank you.
I am also thinking of sharing stories and reading stories to
you personally. Stories that matter and we like
facebook.com/papakogurudeandaily wala pang 500 ang likes ng page na ito pero
sana madagdagan. Itong story ko na ito ang unang “Story” na ilalagay ko sa page
na ito. Kung gusto niyo rin mag share ng mga kwento Ninyo, message niyo po ako
at babasahin ko yung story Ninyo sa Papako Guru Dean Daily fb page.
I’ve heard some high profile people and people with title
talk about me on my lowest level. They look down on me because they can. To me
it’s ok. I swallowed my pride years ago when I became an Autism Advocate. We
have different situations in life. I was once on top, a pa-hero, then became a
nothing and now an ausome parent. We deal with situations and problems
differently. I chose to embrace mine and use it to help my kids and help my
ausome community instead.
Thank you.


















No comments:
Post a Comment